Reserbasyon
Mag-book ng van ng hotel
Ang aming Toyota Hiace kasama ang driver ng hotel, may gas na. Piliin ang biyahe at magpadala ng request; kokontakin namin kayo para sa 50% na deposito sa GCash, Maya o bank transfer, at mag-e-email kami ng kumpirmasyon.

- Van
- Toyota Hiace · hanggang 10 pasahero (mas kaunti kung maraming bagahe)
- Kasama
- Driver ng hotel, at gas hanggang 300 km balikan (₱15 bawat km na lampas)
- Presyo
- Hanggang 4 na oras ₱3,500 · 8 oras ₱5,000 · 12 oras ₱6,000 · 16 oras ₱7,000 · pagkatapos, ₱500 bawat oras
- Oras
- 4:00 AM–10:00 PM, bilang mula pag-alis ng van sa hotel hanggang pagbalik
- Saan
- Pasok sa 300 km ang Legazpi, airport, Naga at Sorsogon nang balikan. Mas malayo o higit sa isang araw? Mag-message para sa presyo. Kayo ang magbabayad ng toll, parking at entrance fee.
- Bayad
- 50% na deposito; ang balanse bago umalis. Libreng pagkansela hanggang 48 oras bago ang sundo.
1. Inyong biyahe
Lumampas sa oras? ₱500 bawat dagdag na oras, hindi hihigit sa presyo ng mas mahabang biyahe. Sa biyaheng lampas 8 oras, pakisagot ang pagkain ng driver.
2. Petsa at oras ng sundo
Pindutin ang petsa. Kailangan ng 24 oras na abiso para sa online booking — tumawag para sa mas maaga.
LinLunMarMiyHuwBiySab
BakanteMay booking naPuno